Powered By Blogger

Tuesday, October 25, 2011

Ang Mensahe

 Sa isang lugar, may dalawang batang lalaki, sina Isko at Biboy, matatalik silang magkaibigan, palagi silang magkasama sa mga adventures nila. Ngayong hapon na ito gustong pumunta ni Biboy sa sementeryo para mamulot ng mga kandila at magpapasama siya kay Isko. Pero tinakot ni Isko si Biboy na may may multo sa sementeryo. “Alam mo Isko nagsasawa na ako sa mga pananakot mo, bakit ba parati mo nalang akong tinatakot? Alam mo namang hindi ako naniniwala sa multo.”, sabi ni Biboy.. “Bakit naman? Eh halos lahat naniniwala dun eh, andyan nga oh sa likod mo,”sabay turo sa nguso nito. “Ano ka ba Isko!, walang multo, hindi nga natin nakikita eh, kaya bakit ako maniniwala?..”, sabi naman ni Biboy.. “Sige, ganito nalang magpustahan tayo para mapatunayan ko na totoo nga sila at nagpaparamdam, kung sino ang unang mamatay sa atin ay magtext agad”, sabi ni Isko. “Ay naku! Tigilan mo nga ako! Paano magtext eh patay na nga diba?”,sagot naman ni Biboy.. “Kaya nga eh, magmumulto ang isa sa atin kung sino man ang unang mamatay sa pamamagitan ng text”, paliwanag ni Isko. “Sige ba sino tinakot mo, tingnan natin”, sang-ayon naman ni Biboy..
            Lumipas ang panahon, nagkahiwalay na ng landas sina Biboy at Isko.
Nakapag-asawa na si Biboy at meron na rin itong mga anak. May sariling vulcanizing shop at ang  misis naman nito ay may sari-sari store katabi lang ng vulcanizing shop. Binayayaan ng anak sina Biboy at ang asawa nito, isang babae at isang lalaki. Pero nitong mga lumilipas lang ng buwan parating nagkakasakit si Isko at natuklasan nitong may prostate cancer siya, stage 3 na at kumalat na ito sa ibang organs.
            Samantala, si Isko naman ay nanatiling single sa edad na 35, workaholic kasi ito at walang time para sa social life nito. Nagtatrabaho ito bilang isang call center agent. Ngayong gabi na ito ay sumakay siya ng bus patungo sa trabaho niya, medyo malayo kasi ang inuupahan niyang apartment sa tinatrabahuan niya kaya kaylangan talaga sumakay ng bus. Sa daanan, nang biglang sumabog ang bus na sinakyan niya, may nakatanim palang bomba doon. Lahat ng nakasakay ng bus ay namatay maliban kay Isko na himalang nakaligtas, ni walang tinamong galos man lang sa katawan. Pero sa lakas ng pagsabog ng bus, naisip ni Isko na patay na nga siya kaya agad niyang naalala ang pustahan nila ng kaibigang si Biboy noon at agad siyang nag text dito. “Pre, ptay na aq, smabog ang bus na sinakyan q, pnu b ‘yan pnalo na aq sa pustahan ntin?”, anito sa text. Nagreply si Biboy, “Hndi, mali ka pre mas nauna akong namatay sau, burol q na now, dmalaw k namn, nmatay aq 2 days ago,tnamaan aq ng cancer pre.”           Hindi naniwala si Isko sa text na iyon ni Biboy, at dahil nako curious siya, dumalaw siya sa bahay ng kaibigan. Pagdating niya doon, maraming tao at nakita niyang umiiyak ang asawa ng kaibigan niya at mga anak nito habang nakaharap sa isang ataul.. Biglang tumunog ang cellphone niya sa bulsa, nang binuksan ang message:

From: Parekoi Biboy
     +639067854898

“Tnx s pagdalaw pre,..”

Nanginig siya sa takot at biglang nabitawan ang cellphone..

Wakas

Monday, October 24, 2011

Poste


Lineman si Noel sa isang electrical company ng kanilang lugar. Hindi kalakihan ang sahod niya dito ngunit mabuti na rin iyon, iisa pa lang naman ang anak nilang mag-asawa. Nakakaraos naman sila kahit papaano. Sa hirap ng buhay ngayon maswerte na rin si Noel na nakapasok sa kumpanyang iyon. Minsan, nakatoka siyang magtrabaho ng pang gabi. Graveyard shift kumbaga, 11pm-7am. Napaka smooth ang trabaho ng gabing iyon, wala siyang ginagawa. Walang tumatawag para mag complain at wala rin namang sira-sirang kuryente ng oras na iyon. Kaya napagdesisyonan niyang pumunta na lamang sa lamay ng kasamahan niya sa trabaho. 

Namatay si Eric dahil na kuryente ito nang nakaraang gabing inayos nito ang poste ng kuryente sa national highway ng lugar nila. Nandoon si Noel nang mangyari ang kagimbal gimbal na insedinteng iyon. Wala din naman siyang nagawa para sa kaibigan dahil sobrang bilis ng pangyayari. Segundo lang at agad nasunog ito habang nakabitin ang sunog nitong katawan sa safety belt nito. Kaya ngayon ay pupunta siya sa lamay ni Eric. While on his way, he smelled something na parang nasusunog na barbekyu. Hindi iyon nawawala. Kinalibutan si Noel habang nag mamaneho siya sa kanyang line truck. Tinatahak niya ang daan na kung saan madadaanan niya ang mismong poste ng kuryente kung saan naaksidente ang kaibigan niya. Biglang tumirik ang line truck ni Noel sa mismong tapat ng poste ng kuryente na iyon. Waring sinadya talaga ng pagkakataon at doon pa mismo namatayan ng makina. Parang may humawak sa sasakyan niya na hindi niya mawari. Nakaramdam siya ng takot kaya pinaandar niya ang line truck. Ngunit hindi umandar ang makina kahit ilang beses na niyang sinubukan ito. Kaya nag pasya na lang si Noel na bumaba para suriin ang makina ng sasakyan. Kumabog ng malakas ang dibdib niya lalo nang nakalanghap ng parang nasusunog na tao o hayop. Ngayon, lalong tumindi ang amoy nito na parang nasa malapit lang. Wala sa isip niya, nang tumingala siya sa poste. Laking gulat niya sa nakita! Si Eric nasa poste. Nakabitin ang sunog na katawan nito sa safety belt. Ka awa-awa ang kalunos-lunos na kondisyon nito. Nanghihingi pa ito ng saklolo sa kanya. Nakadilat ang mapupulang mata nito. Gustong tumakbo ni Noel ng mga oras na iyon pero pilit niyang linabanan ang takot at kinausap niya ang kaibigan.“Partner, huwag ka namang ganyan, wala namang takotan. Pasensiya na dahil wala akong naitulong sa iyo. Sobrang bilis kasi ng pangyayari, sana matahimik kana partner, wala namang may gusto ‘nun, aksidente lang. Pupunta naman ako sa burol mo eh. Ipagdarasal kita partner”, sabi ni Noel habang napaluha sa mga sinasabi.. Nang tumingin ulit si Noel sa poste ay wala na doon ang kaluluwa ni Eric. Ngayon lang napansin ni Noel ang safety belt ni Eric. Naroroon pa din iyon naka hang sa poste. Naiwan pala ng mga kumuha sa bangkay nito. 


Kinuha ni Noel ang safety belt ni Eric at pinasok niya ito sa loob ng line truck. Sinuri niyang mabuti ang safety belt at nakita niya ang isang papel na nakaipit sa coil swivel, nakayupi ito kasama ang P8,000 na pera. Nakalista sa papel ang mga ito:
Matrikula- 2,000 Pagkain- 3,000 Tubig at kuryente- 1,000 Allowance- 2,000 Tinago agad iyon ni Noel at linisan ang lugar na iyon patungo sa burol ng kaibigan. Binigay niya ang pera at budget list sa asawa ni Eric. Kinuwento na rin niya ang nangyari. Humagulhol ang asawa nito at mga anak sa nalaman. Napagtanto ni Noel kung gaano kamahal ni Eric ang pamilya nito. Hindi pala siya tinakot ni Noel. Nagpapakita lang sa kanya ito para matulungan siya na ibigay ang pera nito sa pamilya na naiwan sa safety belt nito. Isang huwarang ama at asawa si Eric dahil kahit nasa kabilang buhay na ito ay pamilya pa rin nito ang iniisip.

Wakas

Friday, October 21, 2011

Premonisyon


“Hello, I’m Gelo, can you be my txmyt?” ang sabi sa mensahe nang buksan iyon ni Janine. Tuwang-tuwa niya itong nireplayan. “Xur! Hmm, wer did u got my #?” tanong nito sa ka text. “Sa dyaryo,” tugon nito sa tanong niya. Naalala nga pala niyang pina publish niya ang kanyang numero sa isang column ng dyaryo nang minsang nagbasa siya nito. “Na publish nga talaga ang numero ko,” aniya sa sarili. Mahilig talaga sa textmate si Janine. Sa tuwing nag mi-meet sila ng textmate niya ay tinitingnan muna niya ito. Kung pangit ay hindi siya makikipagkilala rito at kung gwapo naman ay agad siyang lumalapit at magpakilala. Wala naman talaga siyang nakukuha sa pakikipag textmate niya dahil pakatapos nilang mag-eyeball ng mga nakakatext niya ay bigla na lang itong mawawala at hihinto sa pakikipagtext sa kanya. Gayunman, patuloy pa rin si Janine sa pag entertain ng mga textmates. Kapag walang perang pang eyeball o pamasahe ay kasihodang mangutang ito sa mga kaibigan para may pang eyeball lang. Tindera si Janine sa isang maliit na botik na pagmamay-ari ng tiyang niya. Sa tuwing may ka eyeball ito ay pinapatingnan na lang niya sa kaibigang si Kathy ang binabantayang botik. Hindi naman masyadong kalakasan ang maliit na botik ng kanyang tiyang kaya pupuwede lang ipagbilin sa kaibigan. Kapag may bumili ay pinalilista na lamang ni Janine kay Kathy kung anong item ang nabenta.

“Ano ba talaga ang makukuha mo diyan sa pakikipagtextmate mo, Janine?” ang tanong minsan ni Kathy sa kaibigan. “Wala lang, talagang nai-excite lang ako sa tuwing mag-a-eyeball kami ng mga ka textmates ko, lalo na’t pag guwapo. ‘Pag hindi naman ay hinayaan ko na lang manigas sa kahihintay sa akin dahil hindi ko sila sinisipot, hihi.” Napahagikhik nitong sabi sa kaibigan.“Hayyy naku, kung ako sa iyo itigil mo na iyang pakikipag textmate at pakikipagkita mo sa mga ‘di mo kilala, baka makatsamba ka’t disgrasya pa ang aabutin mo” sabi ni Kathy. “Huwag ka ngang kontrabida, dito ako nag-eenjoy kaya suportahan mo na lang ako,” tugon ni Janine sabay kindat sa kaibigan. Isang linggo pa lang na magka text sina Gelo at Janine ngunit napag kasunduan na ng dalawa na magkikita sa makalawa. “Kat! Kat!” humahangos na tawag nito sa kaibigan.“O, napaano ka?”“ Pakitingnan mo uli ang botik ha? Kasi nandun na raw si Gelo sa meeting place namin. Ikaw na ang bahala dito,” wika ni Janine na nagmamadaling umalis.“As usual, ano pa nga ba?” napabuntong-hininga na lang na sabi ng kaibigan.Tindera din si Kathy sa isang selected ukay-ukay botik na katabi lamang ng binabantayang botik ni Janine. Naiinis na rin siya sa mga pinagagawa ng kaibigan. Ngunit wala siyang magawa para pigilan ito. Nakaisang libong advices na ata siya dito pero kahit kaylan ay ‘di nito sinusunod ang mga payo niya. Napipigilan pa ang baha pero ang pakikipagkita ni Janine sa mga katextmates nito ay hindi! Paikot-ikot pa si Janine sa salamin ng powder room ng mall kung saan sila magkikita ni Gelo. Dumaan muna siya dito sandali dahil gusto niyang maka siguro kung ano ang ayos niya at hitsura. Ayaw niyang mapahiya sa ka textmate.“Ah okay na itong ayos ko, ang ganda!” bulalas niya sa sarili. 

Pulang-pula ang suot nitong lipstick, ang mukha nito ay napakaputi na waring hinablot sa libingan dahil sa makapal na pagakakalagay ng pulbo nito sa mukha. Ang suot naman nitong kulay pulang blusa ay pinarisan ng kulay berdeng skirt na hindi naman bagay dito. Napakabaduy tingnan. Marami pa itong mga accessories sa buhok nito na iba’t-ibang kulay. At ang pinaka center of attraction sa lahat ay ang kulay dilaw na hikaw nito sa tenga na abot hanggang balikat nito. Nagmistula siyang christmas tree sa paningin ng mga nakakasalubong. Naging katawa-tawa ang ayos niya at hindi siya aware dito. Feeling niya ay napakaganda niya sa ayos niya at masyado siyang bilib sa sarili. May pagka narcissistic talaga siya. Kaya pala pagkatapos niyang makikipag eyeball sa mga naunang textmates niya ay naglalaho ang mga ito na parang bula n at hindi na nagpaparamdam muli. 
Tinanong ni Janine kung saan ang naroron si Gelo at kung ano ang suot nito. Nasa harap raw ito ng isang pharmacy. Nakasuot raw ito ng kulay asul na shirt at may dala-dala raw itong bulaklak para sa kanya. Kinilig naman si Janine nang nalaman nitong may dala itong bulaklak para sa kanya. Dali-dali niyang pinuntahan ang kinaroroonan ng lalaki. Ngunit hindi muna siya nagpahalata. Minasdan muna niyang mabuti ang lalaki. “Ang gwapo!” sambit niya sa sarili at nag mamadali siyang lapitan ito. 

Ngunit natigilan siya sa nakita. Lumakas ang kabog ng dibdib niya na tila iyon tinatambol. Bago siya nakalapit kay Gelo ay inunahan siya ng isang babae sa paglapit nito sa textmate! Nakita niyang binigay ni Gelo ang dala-dala nitong bulaklak sa babae. Ang nakapagtataka ay kamukhang-kamukha niya ang babae. Nakasuot din ito ng kulay pulang blusa at kulay berdeng skirt kagaya sa kanya. Napuno rin ng palamuti ang buhok nito at ang puti ng mukha nito! Naka suot din ng hikaw ito na kulay dilaw na hanggang balikat.
Umakbay pa si Gelo dito habang lumalakad ang mga ito papalayo. Lumingon pa ang babae sa kinaroroonan niya at ngumiti sa kanya, waring nang-iinggit. Ang pangit palang tingnan ng ayos ng babae. Muntik na niyang makalimutan na kamukhang-kamukha nga pala niya ang babae. Siya nga pala ang babaing iyon! Kinikilabutan siya sa naiisip. Pero paanong nangyari iyon? Andito siya ngayon sa mall para makipag eyeball kay Gelo? “Ako ang totoong Janine at hindi ang impostor na babaing iyon!”aniya sa sarili.Palihim na sinundan niya ang dalawa. Naglakad ang mga ito patungong exit. May balak na lumabas ang dalawa sa mall na iyon. Sinundan pa niya ang mga ito hanggang labasan. Nakita niyang tila nag-aabang ng taxi ang dalawa. Hindi na niya napigil ang sarili, pinuntahan niya ang mga ito sa kinaroroonan at kinumpronta niya ang mga ito.“Hoy, miss! Sino ka ba at bakit mo ginagaya ang mukha at ayos ko? Sinulot mo pa ang textmate ko!”Hindi kumibo ang babae…“Gelo, ako ang textmate mo at hindi ang impostor na iyan!”Napakunot-noo ang lalaki sa pinagsasabi niya.“A-ah miss, hindi ka namin kilala, mawalang-galang na at nagmamadali kami,” wika ng lalaki sabay para sa paparating na taxi.Nakita pa niya kung papaano nito inalalayan ang babaing impostor sa pagsakay ng taxi. Nang umandar na ang taxi, laking gulat ni Janine nang tingnan niya ang babae. Ang ulo nito ay tila ulo ng isang demonyo, kulubot ang sunog nitong mukha at may sungay! Tila nag-aapoy ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Tumakbo si Janine pabalik sa loob ng mall. Hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Wala sa isip na tinahak niya ang daan patungong comfort room. Sinundan siya ng tingin ng mga nagtatakang tao na nakasalubong niya. Tila may kinatakutan si Janine na ‘di mawari. Nahahapong narating niya ang loob ng cr. Humarap siya sa salamin at pinagmasdang mabuti ang sarili. Pinunasan niya ang pawis niya. Inalis niya ang pula na lipstick sa bibig. Tinanggal niya ang kulay dilaw na hikaw sa tenga. Pinagtatanggal din niya ang iba’t-ibang kulay ng palamuti na nasa buhok niya. At saka siya napahinga ng malalim. Pagkuway, tahimik na sinuklay ang mahaba niyang buhok. Hinagod niya ng tingin ang kabuoang hitsura ng mukha niya. “ Hindi na sobrang puti ang mukha ko at natanggal na rin ang napakapulang lipstick ko,” sabi niya sa sarili. Tumingin siya uli sa repleksiyon niya. Nagulat siya at muntik ng mapasigaw sa nakita. Ang repleksiyon ng mukha niya sa salamin ay nakangiti, samantalang seryosong-seryoso naman siyang inaayos ang sarili sa harap ng salamin! Nakakalokong ngiti pa ang nakita niya sa kanyang repleksiyon. Tila nais niyang mawalan ng ulirat sa mga oras na iyon. Pero pilit niyang linabanan ang takot. Pumikit siya at nagdasal. Subalit, naririnig niya ang boses ng isang babae na kumukuros sa mga dinarasal niya. Unti-unti niyang idinilat ang mga mata niya. Hindi sigurado kung ano ang susunod na mangyayari. Nakangiti pa rin ang repleksiyon niya sa salamin at patuloy na nagdarasal. Hindi na niya nakayanan ang takot. Bigla siyang nawalan ng balanse at natumba. Nawalan siya ng malay-tao. Pinag-uumpukan naman siya ng mga usyosero. 

Dinala siya ng isang guwardiya sa clinic ng mall na iyon. Nang nagkamalay siya ay pinasya niyang umuwi na lamang. Hindi niya alam ang mga nangyayari sa kanya ng araw na iyon. Nakadama siya ng takot nang maalala niya ang doble niya. Ano kaya ang ibig ipahiwatig noon? Hindi naman siya namamalik-mata. At lalong hindi siya naka droga. Kinikilabutan din siya ng maalala ang repleksiyon niya sa salamin. Sa tanang buhay niya ngayon lang siya nakaranas ng mga ganung pangyayari. 
Ipinagtapat ni Janine kay Kathy ang mga nararanasan niya kani-kanina lamang. Nagtaka siya kung bakit hindi man lang ito nabigla.
“Doppelganger mo ang nakita mo kanina..”mariing wika nito.“Doppelganger? Anong ibig mong sabihin?” “Ibig sabihin ay siya ang ka doble mo. Tayong mga tao ay may kanya-kanyang doppelganger. Mag-iingat ka dahil posibleng may masamang mangyayari sa iyo,” paliwanag ni Kathy.“Pwede mo bang ipaliwanag pa kung ano ang iyong ibig ipahiwatig, Kat?”“Base sa mga naririnig kong kuwento, kapag nakikita mo ang sarili mong doppelganger ay senyales iyon ng nakaambang kamatayan mo,” sagot ni Kathy.“Susmaryosep!” natutop niya ang kanyang dibdib sa narinig. Ibig niyang paniwalaan ang mga sinasabi ng kaibigan subalit hindi siya mapamahiing tao. Siguro, wala talaga eksaktong explanation ang nangyari sa kanya kanina. “Kaya mag-ingat ka Jan, wala namang masama kung maniwala ka, ‘di ba?” paalala ng kaibigan. Napa-oo na lang siya sa kaibigan. “At saka bawas-bawasan mo muna ang pakikipag-eyeball mo sa mga textmates mo. Baka premonisyon na ang mga nangyayari sa iyo,” dagdag pa ng kaibigan. Tumango na lamang si Janine. Tama naman ang kaibigan niya.Nakalipas ang ilang linggo, pagkatapos ang nangyaring kababalaghan sa kanya ay balik na sa normal ang buhay ni Janine. Wala namang masamang nangyari sa kanya, ito pa nga siya buhay na buhay at sumisipa.“TOTOT! TOTOT” tumong ang cellphone niya.Eksayted na binuksan ni Janine ang mensahe. “Meet me tom at 2pm sa may park.”ang sabi sa natanggap na message. Galing iyon kay Bacon, 3 days pa lang niyang ka textmate. Matamis ang ngiti na nireplayan niya ang text nito. “Xur! See u der.”Haaayyy, eksayted na naman siya. Parang sumabog ang dibdib niya sa sobrang excitement. Pangalan pa lang ay ulam na! “Siguro ay gwapo siya dahil ang ganda ng boses niya nang tumawag siya sa akin kahapon,” kinikilig na sabi ni Janine sa sarili. Hindi pa talaga nadala si Janine at kinalimutan na nito ang tungkol sa doppelganger niya. Wala naman sigurong masama kung maniwala man siya pero mas pinaiiral pa niya ang kagustuhang makipagkita sa bago niyang textmate. “Hoy, Janine! Bumalik ka nga rito!” sigaw ni Kathy.Subalit, tuloy-tuloy lang sa paglalakad si Janine na tila walang naririnig. Ni hindi man lang nito nilingon ang nagmamalasakit na kaibigan.Ipinagbilin na naman kasi nito kay Kathy ang binabantayang botik ng tiyang nito. Makikipag -eyeball na naman raw sa bagong textmate nito“Tsk! Tsk! Tsk!,” napapailing-iling na lang si Kathy sa ginawi ng kaibigan. Parang lalong tumigas ang ulo nito. Akala kasi niya ay tuluyan ng nagbago ang kaibigan dahil ilang linggo na rin itong hindi lumalabas upang makikipag-eyeball. Pero heto’t bumalik na naman sa ‘di kanais-nais na gawi. “Bahala na nga lang siya,” anito sa isip ni Kathy.Nakatuon ang lahat ng atensiyon kay Janine sa loob ng jeep nang siya ay sumampa dito. Pinagtitinginan siya ng mga ito hanggang siya ay makahanap ng puwesto. Nagtaka siya sa mga naroroon. Meron bang hindi maganda sa hitsura at ayos niya? Wala naman siguro dahil hindi na makapal ang pulbo na nilagay niya sa mukha. Wala na ring abubot ang buhok niya. At higit sa lahat, hindi na niya isinuot ang kulay dilaw na hikaw na hanggang balikat ang haba. Tahimik na lamang siyang naupo. 

“I-ineng, huwag ka na lang tumuloy sa destinasyon mo, kanina kasi pagdating mo ay nakita ka naming walang ulo,” sabi ng babaing matanda sa kanya.
“Oh my God!” natutop ang dibdib na bulalas niya.“Umuwi ka at sunugin mo ang suot mong mga damit pagdating mo sa inyo,” dagdag pa ng matandang babae. Kahit naman hindi nagbigay na kahit na anong explanation ang matanda ay alam niya ang ibig sabihin ng pamahiing iyon. May masamang mangyayari sa kanya.Pero likas na ‘di mapamahiing tao si Janine kaya ipiniwalang-bahala na lang niya ang mga sinasabi ng matanda. “Manong, para ho sa tabi!”“D2 na me, wer na u?” anito ni Bacon sa text. Binasa niya ang mensahe nito habang tumatawid siya sa gitna ng daan. Sa sobrang pagmamadali, ay hindi na siya nag-abala pang tingnan ang magkabilang sides ng daan. Nang biglang, may narinig siyang papalapit na rumaragasang sasakyan. Nabitawan niya ang cellphone niya. Huli na ang lahat para iwasan ni Janine ang 10 wheelers truck na iyon. Pumikit na lamang siya. Ni hindi na niya magawang mag usal ng panalangin dahil napakabilis ng pangyayari. Hindi na rin kasi na kontrol ng drayber ang minamanehong sasakyan. Kahit idiniin pa nito ang break ay hindi ito huminto. Hindi naiwasan ng drayber si Janine dahil na rin sa sobrang laki ng 10 wheelers truck na minamaneho nito, mahirap itong kontrolin. B-BLAG!! “Ang babae! Nasagasaan ang babae!,” sigaw ng isang pasahero na nasa jeep.Isa-isang nanaog ang lahat ng pasahero sa jeep na sinasakyan niya kanina at humahangos na pinuntahan ang kinaroroonan ng aksidente.“Susmaryosep!” bulalas ng matandang babae na katabi ni Janine kanina sa jeep. Nakita nilang nagkakahiwa-hiwalay ang iba’t-ibang bahagi ng katawan ni Janine sa kalsada. Basag ang bungo at nakaluwa ang utak nito. Ang mga laman-loob nito ay nakakalat sa kalsada tulad ng atay at bituka. Nahiwalay din rito ang isang mata at pagulong-gulong pa na napunta sa paanan ng isang babae.“Ahhhhhhhhhh!!” sigaw ng babae. Hindi na nakayanan ng mga nakikiusyusong tao ang kagimbal-gimbal na tanawing nasaksihan nila. Ang iba ay sumusuka at ang iba naman ay dali-daling nagsipag-uwian. Kung naniwala lang sana si Janine sa mga premonisyon nito ay hindi nito sasapitin ang masamang nangyari sa kanya. Kung sinunod lang sana niya ang mga payo ng kaibigang si Kathy disin sana’y buhay pa siya ngayon.

Wakas


Doppelganger

Sa isang unibersidad, mayroong dalawang matatalik na magkaibigan. Sila ay si Gwenn at Karen, Nursing students at nasa pangatlong taon na nila. Sa araw na iyon, sinabi ng Clinical Instructor nila na meron silang Medical Mission sa isang hospital bukas at ang tagpuan nila ay sa labas ng unibersidad, sa may waiting shed, alas sais ng umaga. Hinahabol ng mga estudyante na mapuno ang mga cases nila upang pagdating ng 4th year ay wala na silang problema sa cases at maaari ng grumadweyt. Kinubukasan, dinaanan ni Gwenn ang kaibigang si Karen sa boardinghouse nito. Nakaugali-an na kasi ng isa na dumaan kay Karen para sabay na silang lumakad papuntang unibersidad. “Karen! Karen!,” sigaw ni Gwenn, habang kumakatok sa pintuan ni Karen. “Yes, Gwenn, ikaw na ba ‘yan?” tugon naman ni Karen. “Oo, pakibukas ng pinto”, sagot ng isa. “Saglit lang at nagbibihis pa ako”, ani Karen. “Okay, sige”, tugon ni Gwenn. Ilang minuto pa ay bihis na si Karen at pinapasok na rin nito ang kaibigan . “Bilisan mo naman Karen, mahuhuli na tayo sa Medical Mission, maglalakad pa tayo papuntang waiting shed at mag aalas sais na,” sabi ni Gwenn habang nakatingin sa relos nito. “Oo, Gwenn, malapit na ito, saglit nalang”, sagot ni Karen habang nag-aayos ng buhok. 50 metros ang distansya ng boardinghouse ni Karen sa unibersidad na pinapasukan nila. Nang nasa 45 metros na ang nalakad ng dalawang magkaibigan, nasalubong nila ang kaklase nilang si Jane, nakasakay ito sa kulay pulang traysikel, naka uniporme din ito, naka ayos ang buhok at nakalagay ang backpack sa may paanan. Kumaway at ngumiti ito sa kanila at ginantihan din nila ito ng ngiti at kaway. “Naku, sabi ko na nga ba ma li-late tayo, bakit sumakay na ng traysikel si Jane palabas? Baka late din iyon, bilisan natin, lagot tayo sa CI natin pag nagkataon,” sabi ni Gwenn habang binilisan ang paghakbang. Napaka istrikto kasi ng CI nila, at pinapagalitan kung sino man ang ma li-late at di lang iyon, meron pang multa kung sino man ang ma late o lumiban na walang balidong rason sa kanilang kurso. Pag dating nila sa waiting shed, andun narin mga kaklase nila. Nakita nila si Jane, naglakad palabas ng waiting shed at nag-aabang ito ng traysikel. Naka uniporme din ito, naka ayos ang buhok at naka backpack. Nagtatakang nagkatinginan ang dalawang magkakaibigan at sabay sigaw, “Jane! Saan ka pupunta?” “Uuwi na muna ako, itim ang kulay ng pang loob ko eh, bawal daw, bihis lang muna ako, babalik ako kaagad”,sagot naman ni Jane habang kumakaway ng traysikel. Kulay pulang traysikel din ang napara nito at eksaktong-eksakto ang diskripsyon ng traysikel ang kanina lang na nasalubong ng magkaibigan. “Jane! Kanina ka pa ba dito sa waiting shed?! Hindi ka ba umalis?, pasigaw na tanong ni Karen kasi aktong aandar na ang traysikel. “Oo kanina pa ako, mga 30 minutes na, ngayon pa lang ako aalis, bakit ba?”, pasigaw namang tugon ni Jane. “Ah wala, sige na”, sagot naman ni Karen habang tumindig ang balahibo sa pag-iisip kung sino ang nakasalubong nila ni Gwenn kanina lang. Hawig na hawig nito, Jane na Jane talaga ang mukha pati ang traysikel drayber at ang traysikel nitong sinakyan. “Kanina lang ba si Jane dito sa waiting shed?”, tanong ni Gina sa isang kaklase nitong si Dave. “Oo, kanina lang, mas una pa sa akin dumating eh”, sagot naman ni Dave. Muling nagkatinginan ang magkaibigan….
Kung hindi si Jane ang nasulubong nila kanina lang, sino iyon? Meron talagang mga bagay na hindi maipapaliwanag ng anumang siyensiya dito sa mundong ibabaw. Bakit dalawa yata ang Jane? Nakakatakot mang isipin pero iyon ang reyalidad na nasaksihan ng dalawang magkaibigang Gwenn at Karen. Ano kaya ang nakakatakot? Kung ikaw ang nakasaksi o ikaw ang ginagaya ng sinumang nilalang na iyon?


Wakas

Welcome To My Simple World: The Nurse in '60's

Welcome To My Simple World: The Nurse in '60's: Nagtatrabaho si Abby Reyes bilang isang nurse sa isang lumang pampublikong hospital ng Davao City. Sa medical ward siya naka toka. Mag dadal...

Welcome To My Simple World: The Nurse in '60's

Welcome To My Simple World: The Nurse in '60's: Nagtatrabaho si Abby Reyes bilang isang nurse sa isang lumang pampublikong hospital ng Davao City. Sa medical ward siya naka toka. Mag dadal...

The Nurse in '60's

Nagtatrabaho si Abby Reyes bilang isang nurse sa isang lumang pampublikong hospital ng Davao City. Sa medical ward siya naka toka. Mag dadalawang buwan palang siya dito, maswerte na nga siya dahil binigyan siya ng job order ng kanilang mayor sa probinsiya nila para makapagtrabaho sa hospital na iyon. Ang ibang kaibigan niya kung hindi tambay, ay may ibang trabaho na hindi naman related sa natapos nilang kurso. Bukod sa marami siyang trabaho ay maliit pa ang sahod niya dito, ganun talaga ‘pag hindi regular. Ganunpaman, mahal niya ang trabaho at masaya siya dito. Kaya nga kinulit nya ang ama niya na bigyan siya ng trabaho as job order nurse, ito ang kumausap ng mayor nila sa lugar nila na sana bigyan ng trabaho ang anak nito kahit panandalian lang. Personal body guard kasi ng ama ni Abby ang mayor nila. Agad namang pumayag ang butihing alkalde at doon siya nilagay sa isang pampublikong hospital ng Davao City.

Simula ng nagtrabaho siya sa hospital na iyon ay usap-usapan na sa mga trabahador doon na maraming nagmumulto at nagpaparamdam daw doon. Walang daw’ng pinipili ang pinagparamdaman ng hospital na iyon, mapa doctor, nurse, orderly, janitors at kahit paman mga pasyente. Naroon daw’ng isang gabi, on duty ang kasamahan nilang nurse na si Janice, nang mag prepare ito ng gamot, dalawang vials daw ang binuksan niya nang nalingat lang daw siya sandali nawala na ang isang vial. Wala naman daw siyang kasama ng nangyari iyon, nag-iisa lang daw siya sa nurse station. Kwento rin ng isang nursing aide, nang minsan nag C.R. lang daw siya at pagkatapos hindi na niya mabuksan ang pinto para lumabas, kaya pawis na pawis ito sa kakasigaw sa loob ng C.R. buti nalang nadaanan daw ito ng janitor at binuksan ang pintoan ng C.R. nang narinig na may sumisigaw. Nanginginig pa ito sa takot paglabas nito. Kaulaunan, ay parang normal na lang daw sa kanila ang mga hindi maipaliwanag na pangyayari sa hospital na ‘yon. Hindi importante sa kanila ‘yon, ang importante makapagtrabaho sila at matutustusan ang kani-kanilang pamilya.

Simula ng pumasok si Abby sa hospital na iyon ay wala naman siyang nararamdamang kakaiba, kahit minsan nag-iisa siyang naka night shift. Para sa kanya mga kathang-isip lang ang mga kwento doon tungkol sa mga multo, baka sa sobrang busy lang ni Janice ay isa lang pala ang nabuksang vial nito. At ang nursing aide nila baka sadyang sira lang talaga ang pintoan ng C.R. na iyon. Hindi naniniwala si Abby sa mga ganun, kasi for her to see is to believe.
            Isa sa mga inaalagaan ni Abby ay si Aleng Nena na nasa room 301, kakadala lang nito sa hospital kahapon, watcher nito ang nakababatang anak. Maputla at matamlay si Aleng Nena, dahil na rin siguro sa dinaramdam nito. Simula kahapon nang dumating si Aleng Nena ay hindi pa ito binisita ng doctor, mamayang gabi pa daw bibisita ang doctor. ‘Nung gabing iyon ay si Abby ang naka  duty, mapupuyat na naman siya nito sa kakabantay ng mga pasyente pero buti nalang may kasama nya si Andrew, dalawa silang naka night shift ng gabing iyon. Alas onse ng gabi, eksaktong katatapos lang ng endorsement nila ay dumating ang doctor at simula na itong gumawa  ng order para kay Aleng Nena.

 Binasa ni  Abby ang order ng doctor para kay Aleng Nena  at nag carried out siya. “For CBC (Complete Blood Count) as requested”, order iyon ng doctor para kay Aleng Nena at sinulat ni Abby sa isang papel, kasama pa ang ibang impormasyon ni Aleng Nena  at agad dinala sa laboratoryo para makunan na agad ng dugo ang pasyente.     Nagising si Aleng Nena nang may yumuyogyog sa kanya, babaeng nakaputi, mahaba ang damit hanggang paanan ito at mahaba ang manggas ng damit, maayos ang buhok nito at nakasuot ng nursing cap.. May dala itong syringe, for 5ml syringe. Parang werdo ang ayos ng nurse, na mukhang sinaunang nurse, parang nag tatrabaho ito nung ‘60s pa, pero hindi nalang ito pinansin ni Aleng Nina. “Ano po pangalan niyo?”, tanong ng werdong nurse, sa malamig na boses sabay sa paghampas ng malamig na hangin sa mga bintana doon, tulog na ang lahat pati na rin ang anak ni Aleng Nena na siyang watcher nito. Kinalibutan si Aleng Nena, pilit nilalabanan ang takot ng mga oras na ‘yon sabay sagot, “Nena Cruz ma’am”. Nang ma confirm ang pangalan ay wala itong sabi-sabing pumuwesto sa harapan ni Aleng Nena at hinawakan ang braso nito sa may bandang antecubetal part ng kamay at simulang tinusok ang needle ng syringe sa ugat ni Aleng Nena. Napapapikit na lamang si Aleng Nena ng mga oras na iyon. Hindi niya alam kung saan siya natakot, sa nurse na wirdo o sa karayom na tinusok nito sa kanya. Pag dilat ng mata niya, wala na ang nurse pero ang iniwan nitong  dulot ng pagkatusok ng karayom ng syringe ay nandun pa rin, mahapdi at nakakangalay sa pakiramdam at may natira pang konting dugo.

 Samantala, sa Nurse station nina Abby, pumunta ang Medtech na si Ashley ito ang kukuha ng dugo ni Aleng Nena for CBC. Nagpapasama ito kay Abby dahil hindi pa nito kabisado ang pasyente.. Mas mainam ng magpasama para si Abby na ang mag confirm na ito nga si Aleng Nena.
Habang naglalakad sila sa hallway, nasalubong nila ang isang babae, nakaputi at halatang sinaunang nurse dahil na rin sa suot nito. At may bitbit itong syringe na may lamang dugo. Parang kinalibotan si Abby sa nakita. Pero sa pagtataka niya parang walang reaksiyon ang kasama niyang si Ashley, patuloy lang ito sa paglalakad habang ito ay pakanta-kanta pa. “Wait!”, sabi ni Abby sabay tapik sa balikat nito. “Huh?”, napamaang ito na humarap sa kanya. “Nakita mo ba ‘yong nurse na nakasalubong natin? Parang kakaiba kasi siya eh, kilala mo ba ‘yon?, tanong ni Abby. “Sinong nurse? Wla naman tayong nakasalubong ah, tayo lang ang naglalakad dito”, kunot-noong sagot ni Ashley. 

Nagpatuloy na lang si Abby sa paglalakad nya, hindi na nito pinilit si Ashley na may nakita talaga siyang nurse, na nasalubong nila, baka sabihin nito praning siya. Pero talagang hindi siya nanaginip eh, pilit man niyang iwaksi sa isipan niya ‘yon, talagang nakasalubong nila ang nurse na nakasinaunang outfit ng uniporme ng isang nurse. Sino ba namanng nurse ang magsusuot ng ganun sa mga panahong ito? Moderno na ngayon ang mga nurse, ni hindi na nga nag ka cap ang mga ito.  Natakot at nanindig ang balahibo niya pero pilit niya itong nilabanan. Nang nakaharap na nila si Aleng Nena, aktong kukunan na sana ni Ashley ng dugo si Aleng Nena, pero agad sinabi nito na katatapos lang nitong kunan ng dugo ng isang nurse na tila sinaunang nurse ang outfit . Nang tingnan ng dalawa ang braso ni Aling Nena, sa may antecubetal part banda, nagitla ang dalawa dahil may bahid nga ng tusok ng needle sa bandang iyon. Nagulat rin si Ashley kasi walang ibang pwedeng gagawa ng procedure na iyon kundi siya lamang, isang Medtech. Napamaang si Abby sa mga pangyayaring iyon at agad niyang tinanong si Aling Nena kong ano ang eksaktong diskripsyon ng naturang nurse na gumawa ng procedure. 

“Nakasuot po siya ng puting damit, mahaba ito hanggang paanan, mataas ang manggas,nakaayos ang buhok nito at naka nursing cap”, anito sa nangiginig na boses. Doon napagtanto ni Abby na ‘yong nurse na nakasalubong nila ngayon at ‘yong nurse na kumuha ng dugo kay Aleng Nena  ay iisa lang.. Kinalibutan si Abby sa kanyang naisip. Siguro nga ‘yong nurse na iyon ay dito rin nag tatrabaho noong kapanahunan pa nito. Ngayon, naniniwala na siya, ngayong siya na mismo ang nakakita sa naturang sinaunang nurse na nagmumulto rin sa room 301. Samantala, kinunan ulit si Aleng Nena ng dugo sa kabilang braso kasi wala talagang makitang resulta sa labs nito.

WAKAS