Lumipas ang panahon, nagkahiwalay na ng landas sina Biboy at Isko.
Nakapag-asawa na si Biboy at meron na rin itong mga anak. May sariling vulcanizing shop at ang misis naman nito ay may sari-sari store katabi lang ng vulcanizing shop. Binayayaan ng anak sina Biboy at ang asawa nito, isang babae at isang lalaki. Pero nitong mga lumilipas lang ng buwan parating nagkakasakit si Isko at natuklasan nitong may prostate cancer siya, stage 3 na at kumalat na ito sa ibang organs.
Samantala, si Isko naman ay nanatiling single sa edad na 35, workaholic kasi ito at walang time para sa social life nito. Nagtatrabaho ito bilang isang call center agent. Ngayong gabi na ito ay sumakay siya ng bus patungo sa trabaho niya, medyo malayo kasi ang inuupahan niyang apartment sa tinatrabahuan niya kaya kaylangan talaga sumakay ng bus. Sa daanan, nang biglang sumabog ang bus na sinakyan niya, may nakatanim palang bomba doon. Lahat ng nakasakay ng bus ay namatay maliban kay Isko na himalang nakaligtas, ni walang tinamong galos man lang sa katawan. Pero sa lakas ng pagsabog ng bus, naisip ni Isko na patay na nga siya kaya agad niyang naalala ang pustahan nila ng kaibigang si Biboy noon at agad siyang nag text dito. “Pre, ptay na aq, smabog ang bus na sinakyan q, pnu b ‘yan pnalo na aq sa pustahan ntin?”, anito sa text. Nagreply si Biboy, “Hndi, mali ka pre mas nauna akong namatay sau, burol q na now, dmalaw k namn, nmatay aq 2 days ago,tnamaan aq ng cancer pre.” Hindi naniwala si Isko sa text na iyon ni Biboy, at dahil nako curious siya, dumalaw siya sa bahay ng kaibigan. Pagdating niya doon, maraming tao at nakita niyang umiiyak ang asawa ng kaibigan niya at mga anak nito habang nakaharap sa isang ataul.. Biglang tumunog ang cellphone niya sa bulsa, nang binuksan ang message:
From: Parekoi Biboy
+639067854898
“Tnx s pagdalaw pre,..”
Nanginig siya sa takot at biglang nabitawan ang cellphone..
Wakas
kwentong gustong gusyto kong basahin:)!!! Sakit.info
ReplyDelete