Kung titingnan mo ang isang computer services shop na iyon ay parang normal lang. Pero sa kabila nito may malaking lihim ang lugar na iyon. Ang katabing building nito ay isang mini-groceries. Iisa lang ang may-ari ng computer services shop at mini groceries na iyon, sina Ma’am Macaria at Sir Ernesto. Nasa late 40’s na sila pero hindi biniyayaan ng anak.
Si Chelsea ay 25 years old, nursing graduate pero dalawang beses ng bumagsak sa licensure exam. Kaya napadesisyonan na lang nito na ‘wag munang mag take ng exam this year. Sa halip, maghahanap na lang siya ng ibang trabaho. Kaya naman sa araw na iyon ay sinimulan na niya ang paghahanap ng trabaho. Nagpalibot-libot siya sa siyudad. Maraming nag ha-hiring pero ‘di naman siya kwalipikado. Accounting staff, project manager, engineer, front desk officer at kung ano-ano pa ang mga nakikita niyang available na work. Ayaw naman kasi niyang mag call center agent, hindi dahil hindi siya marunong mag ingles pero alam niya na makakasama sa kalusugan ang trabahong ito. Naging call center kasi ang pinsan niyang si Irish pero kalaunan bumigay din ang katawan nito. Naka grave yard shift kasi ito, kaya nag kasakit ito ng pulmonya at malaki ang nagastos ng parents nito sa hospital bills. “Hayyy! Ang hirap talaga maghanap ng trabaho, sana naman next year ay papasa na ako sa licensure exam,” sabi nito sa isip.
Nagpatuloy pa rin siya sa paghahanap ng trabaho ng araw na iyon. Hanggang sa may nakita siyang nakapaskil sa poste na dinaanan niya. Binasa niya ang impormasyon nito. Naghahanap ng data encoder! Walang sinasabing ibang kwalipikasyon basta lang daw may basic knowledge sa computer like MS Word, excel at power point. Wow! Alam na alam niya itong gawin dahil meron siyang sariling netbook, regalo ito ng tita niya sa abroad noong ikadalawampung taon niya. Agad niya pinuntahan ang address na iyon para mag submit ng resume.
3 days after, may natanggap siyang text galing iyon sa pinasahan niyang computer services shop na naghahanap ng worker. Pwede na daw siya magsimula bukas, Wow! Ang bilis naman ng pagtangap sa akin. Maaga siyang gumising ng sumunod na araw, excitement na may halong kaba ang nararamdaman niya para sa bagong trabaho. Lumipas ang mga araw, alam na ni Chelsea ang pasikot-sikot ng trbaho nito. Hanggang isang araw, hindi niya sinadyang narinig ang pag-uusap ng dalawang amo sa kitchen ng shop na iyon. Nag CR kasi siya at malapit lang ang kitchen dito.
“Ernesto, mukhang gutom na gutom na ang anak natin, kaylan pa natin siya pakakainin?
“Maghintay lang tayo ng magandang tiyempo Macaria, malapit na rin”, among lalaki niya iyon.
Naging palaisipan kay Chelsea ang naririnig mula sa mga amo nito. Sa pagkakaalam kasi niya walang anak ang dalawa. Kaya agad nitong inusisa ang kasamahang si Daniel.
“Wala ba talagang anak sina Sir?”, tanong nito.
“Wala, bakit ba Chelsea?"
“Kuwan kasi di ko sinadyang narinig ang pag-uusap ng dalawa na gutom na gutom na diumano ang anak nila”, paliwanag ni Chelsea.
Sa puntong iyon, napamaang si Daniel kitang-kita iyon ni Chelsea pero agad naman itong nakabawi.
“Wag kang makialam sa pinag-usapan ng iba, ang gawin mo ang trabaho mo,” tiim-bagang sabi nito.
NAKARAAN. Nanlaki ang mga mata ni Agnes nang makita ang isang halimaw sa underground ng shop. Ibig niyang sumigaw pero ni walang lumabas na kataga sa bibig niya. Sobrang pangit ang itsura nito, may sungay at buntot, matutulis ang mga pangil nitong naglalaway pa, matutulis din ang mga kuko nito na handang dumakmal anomang oras. Ibig himatayin ni Agnes ng mga oras na iyon, pero mas nanaig pa sa kanya ang kagustuhang makatakas.
Napa atras si Agnes nang makitang papalapit na ito sa kanya. Dali-dali siyang tumakbo patungong pintuan pero nang akmang buksan na niya ito, naka lock na ito at kahit anong tulak pa niya dito, talagang hindi mabuksan. Napatakbo siya sa kanan ng silid na iyon. There’s no way to run, maliit lang ang silid ng underground na iyon. Lalo pa siyang nang hilakbot nang may matapakan siya. Pagtingin niya sa paanan, mga bungo at kalansay ng tao! Sumigaw siya ng napakalakas pero walang sumaklolo.
Papalapit na sa kanya ang halimaw. Wala siyang ibang magawa kundi ang lumaban. Pero kahit anong laban pa niya sadyang malakas ang halimaw, pinagdudukot nito ang puso niyang tumitibok-tibok pa, ganun din ang ibang vital organs ni Agnes. Pinag lalamon nito ng halimaw na parang hayok sa dugo’t laman ng tao. Sa kalapit-silid niyon, naroon ang dalawang mag-asawa, hawak-hawang ng lalaki ang isang cassette na siyang gamit nito sa panlilinlang.
KASALUKUYAN. Isang araw sinabi ng among lalaki ni Chelsea na mag-oovertime daw siya kasi marami silang dapat tapusin na trabaho. Sa kalagitnaan ng trabaho niya ay bigla siyang nauhaw at pumunta siya sa kitchen ng shop para uminom ng tubig. Babalik na sana siya pero may narinig siyang iyak. Iyak ‘yon ng isang babae. Sa simula mahina ang paghikbi nito pero habang tumatagal lalong lumalakas ang pagiyak nito na may halong pg hiyaw.
Sinundan ni Chelsea ang iyak na iyon ng isang babae. Tantiya niya ay nasa ilalim ng lupa. Agad niyang tinungo ang pintuan ng underground, nako- curious siya sa iyak na iyon. Hindi lingid kay Chelsea ang underground ng shop pero mahigpit na pinagbabawalan silang pumasok dito. Unti-unti na rin siyang nako-curious sa underground na iyon na laging nakalocked. At ngayon nga lalo siyang na ko-curious nang marinig niya ang isang iyak ng babae. This time, sadyang naka bukas ang pintoan ng underground at malayang nakapasok si Chelsea.
Samantala, buo na ang loob ni Daniel. Hindi na makakaya ng kanyang konsensiya. Siya kasi ang inaatasan ng mag-asawa na mag lock ng pinto sa tuwing papasok ang bibiktimahing halimaw’ng anak ng mga ito. Kumbaga ay accessory of the crime siya. Malaki ang utang na loob ni Daniel sa mag-asawa pinag-aral siya ng mga ito ng highschool at college hanggang sa nakatapos siya ng kursong Comp.Sci. Pinagkatiwala din nito ang pinaka ingat-ingatang lihim ng pamilya. Kaya walang magawa si Daniel kundi sundin ang mga utos nito, malaki din kasi ang pinapasahod sa kanya. Pero nitong mga huling gabi, palagi siyang nanaginip ng mga kaluluwa. Humihingi ng saklolo ang mga ito. Biktima sila ng anak na halimaw ng kanyang mga amo. Kaya buo na ang loob niya nang gabing iyon, may dala siyang isang galong gasolina.
Nanghilakbot si Chelsea sa nakita, isang halimaw! May sungay at buntot, Matutulis ang mga pangil nito at kuko. Naglalaway pa ito nang kaharap siya. Agad siyang humakbang pa balik sa pintuan at sa kitchen nakasalubong niya si Daniel.
“Bilis! Tumakas ka na, ako na ang bahala dito!”
“No, tumakas ka na rin Daniel!”..
Sa pintuan nakita nila ang halimaw, papalapit na ito sa kanila at lalo itong nagwala nang makitang tinutulungan ni Daniel ang biktima sana nitong si Chelsea. Sa puntong iyon lumabas ng kwarto ang mag-asawa dahil narinig nito ang pagwawala ng anak. Nabigla sila nang makita si Daniel na may dalang galon ng gasolina.
“Traydor!”, sigaw ng lalaking amo.
“Pagkatapos ka naming pakainin, pag-aralin at bigyan ng maayos na buhay ganito lang ang igaganti mo sa amin?!!” ang babaing amo
“’Di ko na mkaya ang pinagagawa ng anak niyo Ma’am, masyado na siyang maraming pinatay!”
Sa oras na iyon, galit na galit ang mag-asawa kay Daniel, biglang nagtransform ang dalawa. Naging halimaw. Ang papangit ng mga ito. Ngayon tatlo na silang halimaw. Papalapit na ang mga ito sa kanila ni Chelsea. Walang sinayang na sandali si Daniel. Agad nitong binuhos ang isang galong gasolina sa sahig at tinapunan ng lighter. Ilang saglit pa ay kumalat na ang apoy. Napahiyaw ang mga halimaw. Mabilis na nakalabas sina Chelsea at Daniel sa shop na iyon. Pinanood nila ang nasusunog na building.
“Salamat Daniel, iniligtas mo ang buhay ko!”
“Walang anuman Chelsea, matagal ko na rin ito gustong gawin”
Wang! Wang! Wang! Mga bumbero. Huli na ang mga ito, tuluyan ng nilamon ng apoy ang buong building at katabi nitong mini-groceries.
Wakas
|
No comments:
Post a Comment